Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 81)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 81

وَيَقُولُونَ طَاعَةٌ فَإِذَا بَرَزُوا مِنْ عِنْدِكَ بَيَّتَ طَائِفَةٌ مِنْهُمْ غَيْرَ الَّذِي تَقُولُ ۖ وَاللَّهُ يَكْتُبُ مَا يُبَيِّتُونَ ۖ فَأَعْرِضْ عَنْهُمْ وَتَوَكَّلْ عَلَى اللَّهِ ۚ وَكَفَىٰ بِاللَّهِ وَكِيلًا 81 ٨١

Nagsasabi sila ng pagtalima ngunit kapag nakaalis sila mula sa piling mo ay may nagpapanukala sa gabi na isang pangkatin kabilang sa kanila ng iba pa sa sinasabi mo. Si Allāh ay nagsusulat ng anumang ipinapanukala nila sa gabi kaya umayaw ka sa kanila at manalig ka kay Allāh. Nakasapat si Allāh bilang Pinananaligan. (81)

Tafsīr
Nagsasabi sa iyo ang mga mapagpaimbabaw sa pamamagitan ng mga dila nila: "Tumatalima kami sa utos mo at sumusunod kami rito." Ngunit kapag lumisan sila mula sa piling mo ay may nagpapanukala na isang lipon kabilang sa kanila sa paraang pakubli, bilang kasalungatan sa inilantad nila sa iyo. Si Allāh ay nakaaalam sa ipinanunukala nila. Gaganti Siya sa kanila sa pakana nilang ito kaya huwag mo silang pansinin sapagkat hindi sila makapipinsala sa iyo ng anuman. Magpaubaya ka ng nauukol sa iyo kay Allāh at umasa ka sa Kanya. Nakasapat si Allāh bilang Pinananaligang maaasahan mo.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba