Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 83)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 83

وَإِذَا جَاءَهُمْ أَمْرٌ مِنَ الْأَمْنِ أَوِ الْخَوْفِ أَذَاعُوا بِهِ ۖ وَلَوْ رَدُّوهُ إِلَى الرَّسُولِ وَإِلَىٰ أُولِي الْأَمْرِ مِنْهُمْ لَعَلِمَهُ الَّذِينَ يَسْتَنْبِطُونَهُ مِنْهُمْ ۗ وَلَوْلَا فَضْلُ اللَّهِ عَلَيْكُمْ وَرَحْمَتُهُ لَاتَّبَعْتُمُ الشَّيْطَانَ إِلَّا قَلِيلًا 83 ٨٣

Kapag may dumating sa kanilang isang usapin ng katiwasayan o pangangamba ay nagpapatalastas sila nito. Kung sakaling sumangguni sila nito sa Sugo at sa mga may kapamahalaan kabilang sa kanila ay talaga sanang nakaalam dito ang mga naghihinuha nito kabilang sa kanila. Kung hindi dahil sa kabutihang-loob ni Allāh sa inyo at awa Niya ay talaga sanang sumunod kayo sa demonyo, maliban sa kakaunti. (83)

Tafsīr
Kapag may dumating sa mga mapagpaimbabaw na ito na isang usaping kabilang sa may nauukol sa katiwasayan ng mga Muslim at kagalakan nila o pangangamba nila o kalungkutan nila ay nagkakalat sila nito at nagpapalaganap sila nito. Kung sakaling naghinay-hinay sila at nagpasangguni sila ng usapin sa Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at sa mga may [tamang] pananaw, kaalaman, at pagpapayo, talaga sanang nakatalos ang mga may [tamang] pananaw at paghuhulo ng nararapat na gawin hinggil sa pumapatungkol dito na pagpapalaganap o paglilihim. Kung hindi sa kabutihang-loob ni Allāh sa inyo dahil sa Islām at awa Niya sa inyo dahil sa Qur'ān, O mga mananampalataya, kaya naman nangalaga Siya sa inyo laban sa dumapo sa mga mapagpaimbabaw na ito, talaga sanang sumunod kayo sa mga sulsol ng demonyo maliban sa kakaunti mula sa inyo.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba