Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 85)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




4 An-Nisā’(النساء), Talata 85

مَنْ يَشْفَعْ شَفَاعَةً حَسَنَةً يَكُنْ لَهُ نَصِيبٌ مِنْهَا ۖ وَمَنْ يَشْفَعْ شَفَاعَةً سَيِّئَةً يَكُنْ لَهُ كِفْلٌ مِنْهَا ۗ وَكَانَ اللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ مُقِيتًا 85 ٨٥

Ang sinumang mamamagitan ng isang magandang pamamagitan ay magkakaroon siya ng isang bahagi mula rito. Ang sinumang mamamagitan ng isang masagwang pamamagitan ay magkakaroon siya ng isang pasanin mula rito. Laging si Allāh sa bawat bagay ay Tagapagpakain. (85)

Tafsīr
Ang sinumang nagsisikap para magdulot ng kabutihan sa iba ay magkakaroon siya ng isang bahagi sa gantimpala. Ang sinumang nagsisikap para sa paghatak ng kasamaan para sa iba ay magkakaroon siya ng isang bahagi mula sa kasalanan. Laging si Allāh, sa bawat ginagawa ng tao, ay Saksi. Gaganti Siya sa kanya roon. Kaya ang sinumang kabilang sa inyo na naging isang kadahilanan sa pagtamo ng isang kabutihan, magkakaroon siya mula rito ng isang bahagi at isang parte. Ang sinumang naging isang kadahilanan sa pagtamo ng isang kasamaan, tunay na siya magkamit mula rito ng isang bahagi.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba