Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 88)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kaya ano ang mayroon sa inyo hinggil sa mga mapagpaimbabaw para may dalawang pangkat, gayong si Allāh ay nagpabalik na sa kanila [sa kawalang-pananampalataya] dahil sa nakamit nila? Nagnanais ba kayo na magpatnubay sa iniligaw ni Allāh? Ang sinumang ililigaw ni Allāh ay hindi ka makatatagpo para sa kanya ng isang landas [tungo sa kapatnubayan]. (88)
Tafsīr
Ano ang lagay ninyo, O mga mananampalataya, na kayo ay naging dalawang pangkat na nagkakaiba-iba hinggil sa nauukol sa pakikitungo sa mga mapagpaimbabaw? May isang pangkat na nagsasabi ng pakikipaglaban sa kanila dahil sa kawalang-pananampalataya nila at may isang pangkat namang nagsasabi ng pag-iwan sa pakikipaglaban sa kanila dahil sa pananampalataya nila. Hindi naging ukol sa inyo na magkaiba-iba kayo kaugnay sa nauukol sa kanila. Si Allāh ay nagpanauli sa kanila sa kawalang-pananampalataya at pagkaligaw dahilan sa mga gawain nila. Nagnanais ba kayo na magpatnubay sa hindi itinuon ni Allāh sa katotohanan? Ang sinumang pinaligaw ni Allāh ay hindi ka makatatagpo para sa kanya ng isang daan patungo sa kapatnubayan.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: