Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 92)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Hindi nangyaring ukol sa isang mananampalataya na makapatay ng isang mananampalataya malibang dala ng isang pagkakamali. Ang sinumang nakapatay ng isang mananampalataya dala ng isang pagkakamali, [ang panakip-sala ay] pagpapalaya ng isang aliping mananampalataya at isang pagbabayad-pinsalang inaabot sa mag-anak nito, malibang magkawanggawa sila. Kaya kung [ang napatay na] ito ay kabilang sa mga taong kaaway para sa inyo at siya ay isang mananampalataya, [ang panakip-sala ay] pagpapalaya ng isang aliping mananampalataya. Kung [ang napatay na] ito ay kabilang sa mga taong sa pagitan ninyo at nila ay may isang kasunduan, [ang panakip-sala ay] pagbabayad-pinsalang inaabot sa mag-anak nito at pagpapalaya ng isang aliping mananampalataya; ngunit ang sinumang hindi makatagpo [ng mapalalaya, ang panakip-sala] ay pag-aayuno ng dalawang buwang magkakasunod bilang paghiling ng pagbabalik-loob mula kay Allāh. Laging si Allāh ay Maalam, Marunong. (92)
Tafsīr
Hindi nararapat para sa isang mananampalataya na makapatay ng isang mananampalataya maliban na maganap iyon mula sa kanya dala ng pagkakamali. Ang sinumang nakapatay ng isang mananampalataya dala ng pagkakamali, kailangan sa kanya ang pagpapalaya ng isang taong aliping mananampalataya bilang panakip-sala sa nagawa niya at kailangan naman sa kamag-anakan ng nakapatay na mga nagmamana sa kanya ang pagbabayad-pinsala sa mga tagapagmana ng napatay, maliban na magpaumanhin sila ng bayad-pinsala kaya maaalis ito. Ngunit kung ang napatay ay kabilang sa mga taong nakikidigma sa inyo at siya ay isang mananampalataya, kinakailangan sa nakapatay ang pagpapalaya ng isang taong aliping mananampalataya at walang pagbabayad-pinsala mula sa kanya. Kung ang napatay ay hindi mananampalataya subalit siya ay kabilang sa mga taong sa pagitan ninyo at nila ay may isang kasunduan tulad ng mga taong pinangangalagaan ng Islām, kailangan sa mga kamag-anakan ng nakapatay na mga nagmamana sa kanya ang pagbabayad-pinsala sa mga tagapagmana ng napatay at kailangan sa nakapatay ang pagpapalaya ng isang taong aliping mananampalataya bilang panakip-sala sa nagawa niya; ngunit kung hindi siya nakatagpo ng mapalalaya niya o hindi siya nakakakaya na magbayad ng halaga nito, kailangan sa kanya ang pag-aayuno ng dalawang buwang magkarugtong nang walang pagtigil ni paghinto sa pag-aayuno sa loob ng dalawang buwang ito upang tumanggap si Allāh ng pagbabalik-loob niya dahil sa nagawa niya. Laging si Allāh ay Maalam sa mga gawain ng mga lingkod Niya at mga layunin nila, Marunong sa pagbabatas Niya at pangangasiwa Niya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: