Surah An-Nisā’ (Ang mga Kababaihan — النساء) (Talata 94)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
O mga sumampalataya, kapag naglalakbay kayo ayon sa landas ni Allāh ay magpakalinaw kayo [bago kayo humusga] at huwag kayong magsabi sa kaninumang nag-ukol sa inyo ng pagbabati: “Hindi ka isang mananampalataya,” habang naghahangad kayo ng mapapala sa buhay na pangmundo sapagkat nasa ganang kay Allāh ay maraming mahihita. Gayon kayo dati bago pa niyan ngunit nagmagandang-loob si Allāh sa inyo kaya magpakalinaw kayo. Tunay na si Allāh laging sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid. (94)
Tafsīr
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, kapag lumisan kayo para sa pakikibaka ayon sa landas ni Allāh ay magpakatiyak kayo sa kalagayan ng sinumang nakakalaban ninyo. Huwag kayong magsabi sa sinumang nagpakita sa inyo ng anumang nagpapahiwatig sa pagkayakap niya sa Islām: "Hindi ka isang mananampalataya at ang nagbuyo lamang sa iyo sa pagpapakita ng pagyakap sa Islām ay ang pangamba para sa buhay mo at ari-arian mo," para patayin ito habang naghahangad kayo sa pagpatay rito ng katiting na pakinabang sa Mundo gaya ng masasamsam mula rito gayong nasa ganang kay Allāh ay maraming mahihita at ang mga ito ay higit na mabuti at higit na malaki kaysa roon. Gayon kayo dati bago pa niyan, tulad nitong nagkukubli ng pananampalataya niya mula sa mga kalipi niya, ngunit nagmagandang-loob si Allāh sa inyo sa pamamagitan ng Islām saka napangalagaan ang mga buhay ninyo kaya magpakatiyak kayo. Tunay na si Allāh ay walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa gawain ninyo gaano man kaliit ito. Gaganti Siya sa inyo dahil dito.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: