Surah Ghāfir (Ang Mapagpatawad — غافر) (Talata 11)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




40 Ghāfir(غافر), Talata 11

قَالُوا رَبَّنَا أَمَتَّنَا اثْنَتَيْنِ وَأَحْيَيْتَنَا اثْنَتَيْنِ فَاعْتَرَفْنَا بِذُنُوبِنَا فَهَلْ إِلَىٰ خُرُوجٍ مِنْ سَبِيلٍ 11 ١١

Magsasabi sila: “Panginoon namin, nagbigay-kamatayan Ka sa amin nang dalawang ulit at nagbigay-buhay Ka sa amin nang dalawang ulit, saka umamin kami sa mga pagkakasala namin. Kaya tungo sa paglabas [sa Impiyerno] kaya ay may anumang landas?” (11)

Tafsīr
Magsasabi ang mga tagatangging sumampalataya habang mga umaamin sa mga pagkakasala nila kapag hindi nagpapakinabang ang pag-amin nila ni ang pagbabalik-loob nila: "Panginoon namin, nagbigay-kamatayan Ka sa amin nang dalawang ulit yayamang kami dati ay wala, saka nagpairal Ka sa amin, Pagkatapos nagbigay-kamatayan Ka sa amin matapos ng pagpapairal na iyon. Nagbigay-buhay Ka sa amin nang dalawang ulit sa pamamagitan ng pagpapairal sa amin mula sa kawalan at sa pamamagitan ng pagbibigay-buhay sa amin para sa pagkabuhay na muli. Kaya umamin kami sa mga pagkakasala naming nakamit namin. Kaya mayroon kayang isang daang tatahakin namin tungo sa paglabas mula sa Apoy para bumalik kami sa buhay [sa Mundo] upang magsaayos sa mga gawa namin para malugod Ka sa amin?"

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba