Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
[Sasabihan sila]: “Iyon ay [pagdurusang ukol sa inyo] dahil kapag dinalanginan si Allāh nang mag-isa, tumatanggi kayong sumampalataya; at kung tinatambalan Siya, sumasampalataya kayo. Kaya ang paghahatol ay ukol kay Allāh, ang Mataas, ang Malaki.” (12)
Tafsīr
Ang pagdurusang iyon na pagdurusahan ninyo ay dahilan sa kayo dati, kapag dinalanginan si Allāh nang mag-isa at hindi Siya tinambalan ng isa, ay tumatanggi kayong sumampalataya sa Kanya at gumagawa kayo para sa Kanya ng mga katambal. Kapag sinamba kasama kay Allāh ang isang katambal, sumasampalataya kayo. Kaya ang paghahatol ay ukol kay Allāh lamang, ang Mataas sa sarili Niya, pagtatakda Niya, at paglupig Niya; ang Malaki na ang bawat bagay ay maliit sa Kanya."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: