Surah Ghāfir (Ang Mapagpatawad — غافر) (Talata 13)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




40 Ghāfir(غافر), Talata 13

هُوَ الَّذِي يُرِيكُمْ آيَاتِهِ وَيُنَزِّلُ لَكُمْ مِنَ السَّمَاءِ رِزْقًا ۚ وَمَا يَتَذَكَّرُ إِلَّا مَنْ يُنِيبُ 13 ١٣

Siya ay ang nagpapakita sa inyo ng mga tanda Niya at nagbababa para sa inyo mula sa langit ng panustos. Walang nagsasaalaala kundi ang sinumang nagsisising bumabalik [sa Kanya]. (13)

Tafsīr
Si Allāh ay ang nagpapakita sa inyo ng mga tanda Niya sa mga abot-tanaw at mga sarili upang magpatunay ang mga ito sa inyo sa kakayahan Niya at kaisahan Niya, at nagbababa para sa inyo mula sa langit ng tubig ng ulan upang ito ay maging isang kadahilanan para matustusan kayo mula sa halaman, mga pananim, at iba pa sa mga ito. Walang napangangaralan sa pamamagitan ng mga tanda ni Allāh kundi ang sinumang bumabalik sa Kanya habang nagbabalik-loob na nagpapakadalisay.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba