Surah Ghāfir (Ang Mapagpatawad — غافر) (Talata 33)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




40 Ghāfir(غافر), Talata 33

يَوْمَ تُوَلُّونَ مُدْبِرِينَ مَا لَكُمْ مِنَ اللَّهِ مِنْ عَاصِمٍ ۗ وَمَنْ يُضْلِلِ اللَّهُ فَمَا لَهُ مِنْ هَادٍ 33 ٣٣

sa Araw na tatalikod kayo habang mga tumatakas. Walang ukol sa inyo laban kay Allāh [sa parusa Niya] na anumang tagapagsanggalang. Ang sinumang ililigaw ni Allāh [dahil sa kapalaluan at pagpupumilit sa kasalanan] ay walang ukol dito na anumang tagapagpatnubay. (33)

Tafsīr
[Iyon ay] sa Araw na tatalikod kayo habang mga tumatakas dala ng pangamba sa Apoy. Walang ukol sa inyo na isang tagapagtanggol na magtatanggol sa inyo laban sa pagdurusang dulot ni Allāh. Ang sinumang itinatwa ni Allāh at hindi Niya itinuon sa pananampalataya ay walang ukol sa kanya na anumang tagapagpatnubay na magpapatnubay sa kanya dahil ang kapatnubayan sa pagkakatuon ay nasa kamay ni Allāh lamang.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba