Surah Ghāfir (Ang Mapagpatawad — غافر) (Talata 37)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




40 Ghāfir(غافر), Talata 37

أَسْبَابَ السَّمَاوَاتِ فَأَطَّلِعَ إِلَىٰ إِلَٰهِ مُوسَىٰ وَإِنِّي لَأَظُنُّهُ كَاذِبًا ۚ وَكَذَٰلِكَ زُيِّنَ لِفِرْعَوْنَ سُوءُ عَمَلِهِ وَصُدَّ عَنِ السَّبِيلِ ۚ وَمَا كَيْدُ فِرْعَوْنَ إِلَّا فِي تَبَابٍ 37 ٣٧

mga daanan tungo sa mga langit para makatingin ako sa Diyos ni Moises. Tunay na ako ay talagang nagpapalagay na siya ay isang sinungaling.” Gayon ipinang-akit para kay Paraon ang kasagwaan ng gawain niya at hinadlangan siya sa landas. Walang [kahahantungan] ang panlalansi ni Paraon kundi sa isang pagkawasak. (37)

Tafsīr
Sa pag-asang umabot ako sa mga daan ng mga langit, na nagpaparating sa mga iyon para makatingin ako sa sinasamba ni Moises, na naghahaka-haka na si Allāh ay ang sinasamba ayon sa karapatan. Tunay na ako ay talagang nagpapalagay na si Moises ay isang sinungaling sa anumang inaangkin niya." Gayon pinaganda para kay Paraon ang kapangitan ng gawain niya nang humiling siya ng hiniling niya kay Hāmān. Inilihis siya palayo sa daan ng katotohanan patungo sa mga daan ng pagkaligaw. Walang [kahahantungan] ang pakana ni Paraon – para pangibabawin ang kabulaanan niyang siya ay nakabatay roon at pabulaanan ang katotohanang inihatid ni Moises – kundi nasa isang pagkalugi dahil ang kauuwian nito ay ang kabiguan, ang pagpapabigo sa pagpupunyagi niya, at ang kalumbayang hindi mapuputol magpakailanman.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba