Surah Ghāfir (Ang Mapagpatawad — غافر) (Talata 50)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




40 Ghāfir(غافر), Talata 50

قَالُوا أَوَلَمْ تَكُ تَأْتِيكُمْ رُسُلُكُمْ بِالْبَيِّنَاتِ ۖ قَالُوا بَلَىٰ ۚ قَالُوا فَادْعُوا ۗ وَمَا دُعَاءُ الْكَافِرِينَ إِلَّا فِي ضَلَالٍ 50 ٥٠

Magsasabi sila: “Hindi ba dati nagdadala sa inyo ang mga sugo ninyo ng mga malinaw na patunay?” Magsasabi ang mga iyon: “Oo.” Magsasabi sila: “Kaya dumalangin kayo,” at walang [kahahantungan] ang panalangin ng mga tagatangging sumampalataya kundi sa isang pagkaligaw.” (50)

Tafsīr
Magsasabi ang mga tanod ng Impiyerno bilang tugon sa mga tagatangging sumampalataya: "Hindi ba dati nagdadala sa inyo ang mga sugo ninyo ng mga patotoo at mga patunay na maliwanag?" Magsasabi ang mga tagatangging sumampalataya: "Oo; sila dati ay nagdadala sa amin ng mga patotoo at mga patunay na maliwanag." Magsasabi ang mga tanod bilang pang-uuyam sa kanila: "Kaya dumalangin kayo mismo, ngunit kami ay hindi namamagitan para sa mga tagatangging sumampalataya." Walang [kahahantungan] ang panalangin ng mga tagatangging sumampalataya kundi sa isang kawalang-saysay at isang pagkasayang dahil sa hindi pagtanggap nito mula sa kanila dahilan sa kawalang-pananampalataya nila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba