Surah Ghāfir (Ang Mapagpatawad — غافر) (Talata 58)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




40 Ghāfir(غافر), Talata 58

وَمَا يَسْتَوِي الْأَعْمَىٰ وَالْبَصِيرُ وَالَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ وَلَا الْمُسِيءُ ۚ قَلِيلًا مَا تَتَذَكَّرُونَ 58 ٥٨

Hindi nagkakapantay ang bulag at ang nakakikita, ang mga sumampalataya at mga gumawa ng mga maayos at ang tagagawa ng masagwa. Kaunti ang isinasaalaala ninyo! (58)

Tafsīr
Hindi nagkakapantay ang hindi nakakikita at ang nakakikita. Hindi nagkakapantay ang mga sumampalataya kay Allāh, nagpatotoo sa mga sugo Niya, at nagpaganda ng mga gawa nila at ang nagpapasagwa ng gawa nila dahil sa paniniwalang tiwali at mga pagsuway. Hindi kayo nagsasaalaala kundi nang kaunti yayamang kung sakaling nagsaalaala kayo ay talaga sanang nalaman ninyo ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang pangkat upang magsikap kayo na kayo ay maging kabilang sa mga sumampalataya at gumawa ng mga gawang maayos dala ng pagkaibig sa kaluguran ni Allāh.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba