Surah Ghāfir (Ang Mapagpatawad — غافر) (Talata 64)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




40 Ghāfir(غافر), Talata 64

اللَّهُ الَّذِي جَعَلَ لَكُمُ الْأَرْضَ قَرَارًا وَالسَّمَاءَ بِنَاءً وَصَوَّرَكُمْ فَأَحْسَنَ صُوَرَكُمْ وَرَزَقَكُمْ مِنَ الطَّيِّبَاتِ ۚ ذَٰلِكُمُ اللَّهُ رَبُّكُمْ ۖ فَتَبَارَكَ اللَّهُ رَبُّ الْعَالَمِينَ 64 ٦٤

Si Allāh ay ang gumawa para sa inyo ng lupa bilang pamamalagian at ng langit bilang bubungan, nagbigay-anyo sa inyo saka nagpaganda sa mga anyo ninyo, at nagtustos sa inyo ng mga kaaya-ayang bagay. Gayon si Allāh, ang Panginoon ninyo. Kaya napakamapagpala si Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. (64)

Tafsīr
Si Allāh ay ang gumawa para sa inyo, O mga tao, ng lupa bilang kontinenteng inilaan para sa pamamalagi ninyo rito, gumawa ng langit na matibay ang pagkakagawa sa ibabaw ninyo na pinipigilan sa pagbagsak, nagbigay-anyo sa inyo sa mga sinapupunan ng mga ina ninyo saka nagpaganda sa mga anyo ninyo, at nagtustos sa inyo mula sa ipinahihintulot sa mga pagkain at mga itinuturing na kaaya-aya sa mga ito. Gayon ang nagbiyaya sa inyo ng mga biyayang ito, si Allāh, ang Panginoon ninyo. Kaya mapagpala si Allāh, ang Panginoon ng mga nilikha sa kabuuan ng mga ito sapagkat walang panginoon para sa mga ito na iba pa sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba