Surah Fuṣṣilat (Ang Ipinaliwanag ng Detalye — فصلت) (Talata 14)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




41 Fuṣṣilat(فصلت), Talata 14

إِذْ جَاءَتْهُمُ الرُّسُلُ مِنْ بَيْنِ أَيْدِيهِمْ وَمِنْ خَلْفِهِمْ أَلَّا تَعْبُدُوا إِلَّا اللَّهَ ۖ قَالُوا لَوْ شَاءَ رَبُّنَا لَأَنْزَلَ مَلَائِكَةً فَإِنَّا بِمَا أُرْسِلْتُمْ بِهِ كَافِرُونَ 14 ١٤

Noong dumating sa kanila ang mga sugo mula sa nakaraan nila at mula sa hinaharap nila, [nagsasabi ang mga ito]: “Huwag kayong sumamba kundi kay Allāh.” Nagsabi naman sila: “Kung sakaling niloob ng Panginoon namin ay talaga sanang nagpababa Siya ng mga anghel, kaya tunay na kami sa ipinasugo sa inyo ay mga tagatangging sumampalataya.” (14)

Tafsīr
[Nangyari iyon] nang dumating sa kanila ang mga sugo sa kanila, na sumusunod ang ilan sa mga iyon sa iba pa kalakip ng nag-iisang paanyaya, na nag-uutos sa kanila na huwag silang sumamba maliban kay Allāh lamang." Nagsabi ang mga tagatangging sumampalataya kabilang sa kanila: "Kung sakaling niloob ng Panginoon namin ang magpababa ng mga anghel sa amin ay talaga sanang nagpababa Siya sa kanila; kaya tunay na kami ay mga tagatangging sumampalataya sa ipinasugo sa inyo dahil kayo ay mga taong tulad namin."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba