Surah Fuṣṣilat (Ang Ipinaliwanag ng Detalye — فصلت) (Talata 21)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




41 Fuṣṣilat(فصلت), Talata 21

وَقَالُوا لِجُلُودِهِمْ لِمَ شَهِدْتُمْ عَلَيْنَا ۖ قَالُوا أَنْطَقَنَا اللَّهُ الَّذِي أَنْطَقَ كُلَّ شَيْءٍ وَهُوَ خَلَقَكُمْ أَوَّلَ مَرَّةٍ وَإِلَيْهِ تُرْجَعُونَ 21 ٢١

Magsasabi sila sa mga balat nila: “Bakit kayo sumaksi laban sa amin?” Magsasabi ang mga ito: “Nagpabigkas sa amin si Allāh na nagpabigkas sa bawat bagay. Siya ay lumikha sa inyo sa unang pagkakataon, at tungo sa Kanya pababalikin kayo [para tuusin]. (21)

Tafsīr
Magsasabi ang mga tagatangging sumampalataya sa mga balat nila: "Bakit kayo sumaksi laban sa amin sa dati naming ginagawa sa Mundo?" Magsasabi ang mga balat bilang sagot sa mga may-ari ng mga ito: "Nagpabigkas sa amin si Allāh na nagpabigkas sa bawat bagay. Siya ay lumikha sa inyo sa unang pagkakataon nang kayo dati ay nasa Mundo, at tungo sa Kanya lamang pababalikin kayo sa Kabilang-buhay para sa pagtutuos at pagganti.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba