Surah Fuṣṣilat (Ang Ipinaliwanag ng Detalye — فصلت) (Talata 26)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: “Huwag kayong makinig sa Qur’ān na ito at sumatsat kayo [sa pagbigkas] nito, nang sa gayon kayo ay mananaig. (26)
Tafsīr
Nagsabi ang mga tagatangging sumampalataya habang mga nagtatagubilinan sa pagitan nila noong nawalang-kakayahan sila sa pagharap sa katwiran sa pamamagitan ng katwiran: "Huwag kayong makinig sa Qur’an na ito na binibigkas sa inyo ni Muḥammad at huwag kayong magpaakay sa nilalaman nito. Sumigaw kayo at magtaas kayo ng mga tinig ninyo sa sandali ng pagbigkas niya nito, nang sa gayon sa pamamagitan niyon ay magwagi kayo sa kanya saka ititigil niya ang pagbigkas niyan at ang pag-aanyaya tungo riyan, para makapagpahinga kayo mula riyan.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: