Surah Fuṣṣilat (Ang Ipinaliwanag ng Detalye — فصلت) (Talata 29)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: “Panginoon namin, magpakita Ka sa amin ng dalawang nagligaw sa amin kabilang sa jinn at tao, maglalagay kami sa kanilang dalawa sa ilalim ng mga paa namin upang silang dalawa ay maging kabilang sa mga pinakamababa.” (29)
Tafsīr
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at nagpasinungaling sa mga sugo Niya: "Panginoon namin, magpakita Ka sa amin ng dalawang nagpaligaw sa amin kabilang sa jinn at tao: si Satanas na nagsakalakaran ng kawalang-pananampalataya at pag-aanyaya tungo rito at ang anak ni Adan na nagsakalakaran ng pagpapadanak ng mga dugo, ilalagay namin silang dalawa ng apoy sa ilalim ng mga paa namin upang silang dalawa ay maging kabilang sa mga pinakamababa, na sila ay ang pinakamatindi sa mga maninirahan sa Apoy sa pagdurusa."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: