Surah Fuṣṣilat (Ang Ipinaliwanag ng Detalye — فصلت) (Talata 30)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Tunay na ang mga nagsabi: “Si Allāh ay ang Panginoon namin,” pagkatapos nagpakatuwid, magbababaan sa kanila ang mga anghel [sa paghihingalo nila at magsasabi]: “Huwag kayong mangamba, huwag kayong malungkot, at magalak kayo sa Paraiso na sa inyo dati ay ipinangangako. (30)
Tafsīr
Tunay na ang mga nagsabi: "Ang Panginoon namin ay si Allāh; walang Panginoon para sa amin na iba pa sa Kanya," at nagpakatuwid sa pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, magbababaan sa kanila ang mga anghel sa sandali ng paghihingalo nila, na mga magsasabi sa kanila: "Huwag kayong mangamba sa kamatayan ni sa anuman matapos nito. Huwag kayong malungkot sa anuman naiwanan ninyo sa Mundo. Magalak kayo sa Paraiso na sa inyo dati ay ipinangangako sa Mundo dahil sa pananampalataya ninyo kay Allāh at gawa ninyong maayos.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: