Surah Fuṣṣilat (Ang Ipinaliwanag ng Detalye — فصلت) (Talata 31)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




41 Fuṣṣilat(فصلت), Talata 31

نَحْنُ أَوْلِيَاؤُكُمْ فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا وَفِي الْآخِرَةِ ۖ وَلَكُمْ فِيهَا مَا تَشْتَهِي أَنْفُسُكُمْ وَلَكُمْ فِيهَا مَا تَدَّعُونَ 31 ٣١

Kami [na mga anghel] ay mga katangkilik ninyo sa buhay na pangmundo at sa Kabilang-buhay. Ukol sa inyo roon [sa Paraiso] ang ninanasa ng mga sarili ninyo at ukol sa inyo roon ang anumang hinihiling ninyo, (31)

Tafsīr
Kami ay mga katangkilik ninyo sa buhay na pangmundo sapagkat kami nga noon ay nagtatama sa inyo at nangangalaga sa inyo. Kami ay mga katangkilik ninyo sa Kabilang-buhay sapagkat ang pagtangkilik namin sa inyo ay nagpapatuloy. Ukol sa inyo sa Paraiso ang ninanasa ng mga sarili ninyo kabilang sa mga minamasarap at mga ninanasa. Ukol sa inyo roon ang lahat ng hinihiling ninyo kabilang sa ninanasa ninyo,

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba