Surah Fuṣṣilat (Ang Ipinaliwanag ng Detalye — فصلت) (Talata 33)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




41 Fuṣṣilat(فصلت), Talata 33

وَمَنْ أَحْسَنُ قَوْلًا مِمَّنْ دَعَا إِلَى اللَّهِ وَعَمِلَ صَالِحًا وَقَالَ إِنَّنِي مِنَ الْمُسْلِمِينَ 33 ٣٣

Sino pa ang higit na maganda sa sinasabi kaysa sa sinumang nag-anyaya tungo kay Allāh, gumawa ng maayos, at nagsabi: “Tunay na ako ay kabilang sa mga Muslim [na sumusuko kay Allāh].” (33)

Tafsīr
Walang isang higit na maganda sa sinasabi kaysa sa sinumang nag-anyaya tungo sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at paggawa ayon sa batas Niya, gumawa ng gawang maayos na nagpapalugod sa Panginoon niya, at nagsabi: "Tunay na ako ay kabilang sa mga sumusuko na mga nagpapaakay kay Allāh." Kaya ang sinumang gumawa niyon sa kabuuan niyon, siya ay pinakamaganda sa mga tao sa sinasabi.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba