Surah Fuṣṣilat (Ang Ipinaliwanag ng Detalye — فصلت) (Talata 40)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




41 Fuṣṣilat(فصلت), Talata 40

إِنَّ الَّذِينَ يُلْحِدُونَ فِي آيَاتِنَا لَا يَخْفَوْنَ عَلَيْنَا ۗ أَفَمَنْ يُلْقَىٰ فِي النَّارِ خَيْرٌ أَمْ مَنْ يَأْتِي آمِنًا يَوْمَ الْقِيَامَةِ ۚ اعْمَلُوا مَا شِئْتُمْ ۖ إِنَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرٌ 40 ٤٠

Tunay na ang mga lumalapastangan sa mga tanda Namin ay hindi nakakukubli sa Amin. Kaya ba ang sinumang itatapon sa Apoy ay higit na mabuti o ang sinumang pupunta nang ligtas sa Araw ng Pagbangon? Gawin ninyo ang niloob ninyo; tunay na Siya sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita. (40)

Tafsīr
Tunay na ang mga kumikiling kaugnay sa mga tanda ni Allāh palayo sa katumpakan sa pamamagitan ng pagkakaila sa mga ito, pagpapasinungaling sa mga ito, at paglilihis [ng kahulugan] ng mga ito ay hindi nakakukubli ang kalagayan nila sa Kanya sapagkat Siya ay nakaaalam sa kanila. Kaya ba ang sinumang itatapon sa Apoy ay higit na mainam o ang sinumang pupunta sa Araw ng Pagbangon nang ligtas mula sa pagdurusa? Gawin ninyo, O mga tao, ang niloob ninyo na kabutihan at kasamaan sapagkat nilinaw na para sa inyo ang kabutihan at ang kasamaan. Tunay na si Allāh sa anumang ginagawa ninyo kabilang sa dalawang ito ay Nakakikita: walang nakakukubli sa Kanya na anuman kabilang sa mga gawa ninyo.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba