Surah Fuṣṣilat (Ang Ipinaliwanag ng Detalye — فصلت) (Talata 42)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




41 Fuṣṣilat(فصلت), Talata 42

لَا يَأْتِيهِ الْبَاطِلُ مِنْ بَيْنِ يَدَيْهِ وَلَا مِنْ خَلْفِهِ ۖ تَنْزِيلٌ مِنْ حَكِيمٍ حَمِيدٍ 42 ٤٢

Hindi pumupunta rito ang kabulaanan mula sa harapan nito ni mula sa likuran nito. [Ito ay] isang pagbababa mula sa Marunong, Kapuri-puri. (42)

Tafsīr
Hindi pumupunta rito ang kabulaanan mula sa harapan nito ni mula sa likuran nito sa pamamagitan ng pagbabawas o pagdaragdag o pagpapalit o paglilihis ng kahulugan. [Ito ay] isang pagbababa mula sa Marunong sa paglikha Niya, pagtatakda Niya, at pagbabatas Niya; Pinapupurihan sa bawat kalagayan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba