Surah Fuṣṣilat (Ang Ipinaliwanag ng Detalye — فصلت) (Talata 44)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kung sakaling gumawa Kami rito bilang Qur’ān na di-Arabe ay talaga sanang nagsabi sila: “Bakit kaya hindi dinetalye ang mga talata nito [sa wikang Arabe]? [Ito] ba ay di-Arabe at Arabe [ang Sugo]? Sabihin mo: “Ito para sa mga sumampalataya ay isang patnubay at isang lunas.” Ang mga hindi sumasampalataya, sa mga tainga nila ay may kabingihan at ito sa kanila ay pagkabulag. Ang mga iyon ay tinatawag mula sa isang pook na malayo. (44)
Tafsīr
Kung sakaling nagpababa Kami ng Qur'ān na ito sa hindi wika ng mga Arabe ay talaga sanang nagsabi ang mga tagatangging sumampalataya kabilang sa kanila: "Bakit kaya hindi nilinaw ang mga talata nito upang makaintindi tayo sa mga ito? Ang Qur'ān ba ay magiging di-Arabe at ang naghatid nito ay isang Arabe?" Sabihin mo, o Sugo, sa mga ito: "Ang Qur'ān – para sa mga sumampalataya kay Allāh at nagpatotoo sa mga sugo Niya – ay isang kapatnubayan laban sa pagkaligaw at isang lunas sa nasa mga dibdib na kamangmangan at anumang sumusunod dito." Ang mga hindi sumasampalataya kay Allāh, sa mga tainga nila ay may pagkabingi at ito sa kanila ay pagkabulag: hindi nila naiintindihan ito. Ang mga nailarawang iyon sa mga katangiang iyon ay gaya ng tinatawag mula sa isang pook na malayo, kaya paano para sa kanila na makarinig sa tinig ng tagatawag?
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: