Surah Fuṣṣilat (Ang Ipinaliwanag ng Detalye — فصلت) (Talata 47)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Sa Kanya isinasangguni ang kaalaman sa Huling Sandali. Walang lumalabas na anumang mga bunga mula sa mga saha ng mga ito at walang nagbubuntis na anumang babae ni nagsisilang malibang nasa kaalaman Niya. Sa Araw na tatawag Siya sa kanila, [na nagsasabi]: “Nasaan ang mga [inaakala ninyo na] katambal sa Akin?” Magsasabi sila: “Nagpahayag kami sa Iyo na wala na mula sa amin na anumang saksi [na may katambal Ka].” (47)
Tafsīr
Sa kay Allāh lamang iniugnay ang kaalaman sa Huling Sandali sapagkat Siya lamang ay nakaaalam kung kailan magaganap ito sapagkat hindi nakaaalam niyon ang iba pa sa Kanya. Walang lumalabas na anumang mga bunga mula sa mga sisidlan ng mga ito na nangangalaga sa mga ito at walang nagbubuntis na anumang babae ni nanganganak malibang nasa kaalaman Niya. Walang nakalulusot sa Kanya mula roon na anuman. Sa Araw na mananawagan si Allāh sa mga tagapagtambal na dating sumasamba kasama sa Kanya sa mga anito, habang nanunumbat sa kanila sa pagsamba nila sa mga iyon: "Nasaan ang mga katambal sa Akin na dati ninyong hinahaka-haka na sila ay mga katambal?" Magsasabi ang mga tagapagtambal: "Umaamin kami sa harapan Mo na walang isa sa amin na sasaksi ngayon na mayroon Kang katambal."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: