Surah Fuṣṣilat (Ang Ipinaliwanag ng Detalye — فصلت) (Talata 52)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




41 Fuṣṣilat(فصلت), Talata 52

قُلْ أَرَأَيْتُمْ إِنْ كَانَ مِنْ عِنْدِ اللَّهِ ثُمَّ كَفَرْتُمْ بِهِ مَنْ أَضَلُّ مِمَّنْ هُوَ فِي شِقَاقٍ بَعِيدٍ 52 ٥٢

Sabihin mo: “Nagsaalang-alang ba kayo kung [ang Qur’ān na] ito ay mula sa ganang kay Allāh, pagkatapos tumanggi kayong sumampalataya rito? Sino pa ang higit na ligaw kaysa sa sinumang siya ay na nasa isang hidwaang malayo [sa katotohanan]?” (52)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na tagapagpasinungaling na ito: "Magpabatid kayo sa akin kung ang Qur’an na ito ay mula sa ganang kay Allāh, pagkatapos tumanggi kayong sumampalataya rito at nagpasinungaling kayo rito, magiging papaano ang kalagayan ninyo? Sino pa ang higit na ligaw kaysa sa sinumang siya ay nasa isang pagmamatigas sa katotohanan sa kabila ng paglitaw nito at kaliwanagan ng katwiran niyon at lakas nito?"

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba