Surah Fuṣṣilat (Ang Ipinaliwanag ng Detalye — فصلت) (Talata 6)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




41 Fuṣṣilat(فصلت), Talata 6

قُلْ إِنَّمَا أَنَا بَشَرٌ مِثْلُكُمْ يُوحَىٰ إِلَيَّ أَنَّمَا إِلَٰهُكُمْ إِلَٰهٌ وَاحِدٌ فَاسْتَقِيمُوا إِلَيْهِ وَاسْتَغْفِرُوهُ ۗ وَوَيْلٌ لِلْمُشْرِكِينَ 6 ٦

Sabihin mo, [O Propeta Muḥammad]: “Ako ay tao lamang tulad ninyo. Ikinakasi sa akin na ang Diyos ninyo ay Diyos na nag-iisa lamang, kaya magpakatuwid kayo sa Kanya at humingi kayo ng tawad sa Kanya.” Kapighatian ay ukol sa mga tagapagtambal [kay Allāh], (6)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, sa mga nagmamatigas na ito: "Ako ay tao lamang tulad ninyo. Nagkakasi sa akin si Allāh na ang sinasamba ninyo ayon sa karapatan ay nag-iisang sinasamba lamang, si Allāh, kaya tumahak kayo sa daang nagpaparating sa Kanya at humiling kayo mula sa Kanya ng kapatawaran sa mga pagkakasala ninyo." Kapahamakan at pagdurusa ay ukol sa mga tagapagtambal, na mga sumasamba sa iba pa kay Allāh o nagtatambal kasama sa Kanya ng isa man,

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba