Surah Fuṣṣilat (Ang Ipinaliwanag ng Detalye — فصلت) (Talata 9)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




41 Fuṣṣilat(فصلت), Talata 9

قُلْ أَئِنَّكُمْ لَتَكْفُرُونَ بِالَّذِي خَلَقَ الْأَرْضَ فِي يَوْمَيْنِ وَتَجْعَلُونَ لَهُ أَنْدَادًا ۚ ذَٰلِكَ رَبُّ الْعَالَمِينَ 9 ٩

Sabihin mo: “Tunay na kayo ba ay talagang tumatangging sumampalataya sa lumikha ng lupa sa dalawang araw at gumagawa sa Kanya ng mga kaagaw? Iyon ay ang Panginoon ng mga nilalang.” (9)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, habang nanunumbat sa mga tagatangging sumampalataya: "Bakit kayo ay tumatangging sumampalataya kay Allāh na lumikha ng lupa sa dalawang araw: araw ng Linggo at araw ng Lunes, at gumagawa sa Kanya ng mga kapareho na sinasamba ninyo bukod pa sa Kanya? Iyon ay ang Panginoon ng mga nilikha sa kabuuan nila."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba