Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Makikita ka sa mga tagalabag sa katarungan na mga nababagabag sa nakamit nila, at ito ay magaganap sa kanila. Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay nasa mga halamanan ng mga hardin; ukol sa kanila ang niloloob nila sa piling ng Panginoon nila. Iyon ay ang kabutihang-loob na malaki. (22)
Tafsīr
Makikita mo, O Sugo, ang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa shirk at mga pagsuway, na mga nangangamba sa parusa dahil sa nakamit nila na kasalanan. Ang parusa ay magaganap sa kanila nang walang pasubali kaya hindi magpapakinabang sa kanila ang pangambang salat sa pagbabalik-loob. Ang mga sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya at gumawa ng mga gawang maayos ay nasa kasalungatan ng mga ito sapagkat sila ay nasa mga halamanan ng mga hardin na nakikinabang. Ukol sa kanila ang niloloob nila sa piling ng Panginoon nila na mga uri ng kaginhawahan na hindi mapuputol magpakailanman. Iyon ay ang kabutihang-loob na malaki na hindi natutumbasan ng isang kabutihang-loob.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: