Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ang sinumang ililigaw ni Allāh ay walang ukol dito na anumang katangkilik matapos na [iniligaw] Niya. Makikita mo na ang mga tagalabag sa katarungan, kapag nakita nila ang pagdurusa, ay magsasabi: “Sa isang mababalikan kaya [sa Mundo] ay may anumang landas?” (44)
Tafsīr
Ang sinumang itinatwa ni Allāh palayo sa kapatnubayan saka iniligaw palayo sa katotohanan ay walang ukol dito na isang katangkilik, matapos ni Allāh, na tatangkilik sa pumapatungkol sa kanya. Makikita mo na ang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya at mga pagsuway, kapag napagmasdan nila ang pagdurusa sa Araw ng Pagbangon, ay magsasabi habang mga nagmimithi: "Ang panunumbalik kaya sa Mundo ay may daan para magbalik-loob kami kay Allāh?"
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: