Surah Ash-Shūrā (Ang Pagpapayo — الشورى) (Talata 48)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




42 Ash-Shūrā(الشورى), Talata 48

فَإِنْ أَعْرَضُوا فَمَا أَرْسَلْنَاكَ عَلَيْهِمْ حَفِيظًا ۖ إِنْ عَلَيْكَ إِلَّا الْبَلَاغُ ۗ وَإِنَّا إِذَا أَذَقْنَا الْإِنْسَانَ مِنَّا رَحْمَةً فَرِحَ بِهَا ۖ وَإِنْ تُصِبْهُمْ سَيِّئَةٌ بِمَا قَدَّمَتْ أَيْدِيهِمْ فَإِنَّ الْإِنْسَانَ كَفُورٌ 48 ٤٨

Ngunit kung umayaw sila, hindi Kami nagsugo sa iyo, [O Propeta Muḥammad,] sa kanila bilang mapag-ingat. Walang kailangan sa iyo kundi ang pagpapaabot [ng ipinag-utos]. Tunay na kapag nagpalasap Kami sa tao mula sa Amin ng isang awa ay natutuwa siya rito. Kung tatama sa kanila ang isang masagwang gawa dahil sa ipinauna ng mga kamay nila, tunay na ang tao ay mapagtangging magpasalamat. (48)

Tafsīr
Ngunit kung umayaw sila sa ipinag-utos mo sa kanila, hindi Kami nagsugo sa iyo, O Sugo, sa kanila bilang mapag-ingat na mag-iingat sa mga gawain nila. Walang kailangan sa iyo kundi ang pagpapaabot ng anumang ipinag-utos sa iyo na ipaabot ito. Ang pagtutuos sa kanila ay nasa kay Allah. Tunay na kapag nagpalasap Kami sa tao mula sa Amin ng isang awa gaya ng yaman at kalusugan at mga tulad nito ay natutuwa siya rito. Kung tatama sa tao ang isang pagsubok na may kasusuklaman dahil sa mga kasalanan nila, tunay na ang kalikasan nila ay ang pagtangging kumilala sa mga biyaya ni Allah at hindi pagpapasalamat sa mga ito, at ang pagkainis sa anumang itinakda ni Allah ayon sa karunungan Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba