Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Sa kay Allāh ang paghahari sa mga langit at lupa. Lumilikha Siya ng niloloob Niya. Nagkakaloob Siya sa sinumang niloloob Niya ng mga [anak na] babae at nagkakaloob Siya sa sinumang niloloob Niya ng mga [anak na] lalaki. (49)
Tafsīr
Sa kay Allāh ang paghahari sa mga langit at ang paghahari sa lupa. Lumilikha Siya ng niloloob Niya na lalaki o babae o iba pa roon. Nagbibigay Siya sa sinumang niloloob Niya ng mga [anak na] babae at nagkakait Siya rito ng mga [anak na] lalaki. Nagbibigay Siya sa sinumang niloloob Niya ng mga [anak na] lalaki at nagkakait Siya rito ng mga [anak na] babae. O gumagawa Siya para sa sinumang niloloob Niya ng mga lalaki at mga babae nang magkasama. Gumagawa Siya sa sinumang niloloob Niya bilang baog na hindi nagkakaanak. Tunay na Siya ay Maalam sa anumang nangyayari at anumang mangyayari sa hinaharap. Ito ay bahagi ng kalubusan ng kaalaman Niya at pagkaganap ng karunungan Niya: walang nakakukubli sa Kanya na anuman at walang nakapagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: