Surah Ash-Shūrā (Ang Pagpapayo — الشورى) (Talata 8)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




42 Ash-Shūrā(الشورى), Talata 8

وَلَوْ شَاءَ اللَّهُ لَجَعَلَهُمْ أُمَّةً وَاحِدَةً وَلَٰكِنْ يُدْخِلُ مَنْ يَشَاءُ فِي رَحْمَتِهِ ۚ وَالظَّالِمُونَ مَا لَهُمْ مِنْ وَلِيٍّ وَلَا نَصِيرٍ 8 ٨

Kung sakaling niloob ni Allāh ay talaga sanang gumawa Siya sa kanila bilang nag-iisang kalipunan, subalit nagpapapasok Siya sa sinumang niloob Niya sa awa Niya. Ang mga tagalabag sa katarungan [dahil sa kawalang-pananampalataya] ay walang ukol sa kanila na anumang katangkilik ni mapag-adya. (8)

Tafsīr
Kung sakaling niloob ni Allāh ang paggawa sa kanila bilang nag-iisang kalipunan sa Relihiyong Islām ay talaga sanang gumawa Siya sa kanila bilang nag-iisang kalipunan doon at nagpapasok Siya sa kanila sa kalahatan sa Hardin. Subalit hiniling ng karunungan Niya na magpapasok Siya sa sinumang niloob Niya sa Islām at magpapasok dito sa Paraiso. Ang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway ay walang ukol sa kanila na anumang katangkilik na tatangkilik sa kanila ni mapag-adya na sasagip sa kanila mula sa pagdurusang dulot ni Allāh.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba