Surah Az-Zukhruf (Ang mga Palamuti — الزخرف) (Talata 13)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
upang lumuklok kayo sa mga likod ng mga ito, pagkatapos makaalaala kayo sa biyaya ng Panginoon ninyo kapag nakaluklok na kayo sa mga ito at magsabi kayo: “Kaluwalhatian sa Kanya na nagpasilbi para sa amin ng mga ito samantalang kami sa mga ito ay hindi naging mga makapananaig. (13)
Tafsīr
Ginawa Niya para sa inyo iyon sa kabuuan niyon, sa pag-asang lumulan kayo sa mga likod ng sinasakyan ninyo kabilang sa mga ito sa mga paglalakbay ninyo, pagkatapos makaalaala kayo sa biyaya ng Panginoon ninyo sa pamamagitan ng pagpapasilbi sa mga ito para sa inyo kapag nakalulan na kayo sa mga likod ng mga ito, at magsabi kayo sa pamamagitan ng mga dila ninyo: "Nagpawalang-kapintasan Siya at nagpakabanal Siya na naglaan at nagpaamo para sa amin ng sinasakyang ito kaya nakapagyayari kami rito samantalang kami rito ay hindi mga makakakaya kung hindi dahil sa pagpapasilbi ni Allāh nito [sa amin].
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: