Surah Az-Zukhruf (Ang mga Palamuti — الزخرف) (Talata 23)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




43 Az-Zukhruf(الزخرف), Talata 23

وَكَذَٰلِكَ مَا أَرْسَلْنَا مِنْ قَبْلِكَ فِي قَرْيَةٍ مِنْ نَذِيرٍ إِلَّا قَالَ مُتْرَفُوهَا إِنَّا وَجَدْنَا آبَاءَنَا عَلَىٰ أُمَّةٍ وَإِنَّا عَلَىٰ آثَارِهِمْ مُقْتَدُونَ 23 ٢٣

Gaya niyon, hindi Kami nagsugo bago mo pa sa isang pamayanan ng anumang mapagbabala malibang nagsabi ang mga pinariwasa roon: “Tunay na kami ay nakatagpo sa mga magulang namin sa isang paniniwala, at tunay na kami sa mga bakas nila ay mga tumutulad.” (23)

Tafsīr
Kung paanong nagpasinungaling ang mga ito at nangatwiran ng paggaya-gaya nila sa mga magulang nila, hindi Kami nagpadala bago mo pa, O Sugo, sa isang pamayanan ng isang sugong nagbababala sa mga kababayan niya malibang nagsabi ang mga pinuno nila at ang mga malaking tao nila kabilang sa mga may kaya sa kanila: "Tunay na kami ay nakatagpo sa mga magulang namin sa isang relihiyon at isang kapaniwalaan, at tunay na kami ay mga sumusunod sa mga bakas nila." Kaya ang mga kababayan mo ay hindi una sa gayon."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba