Surah Az-Zukhruf (Ang mga Palamuti — الزخرف) (Talata 48)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




43 Az-Zukhruf(الزخرف), Talata 48

وَمَا نُرِيهِمْ مِنْ آيَةٍ إِلَّا هِيَ أَكْبَرُ مِنْ أُخْتِهَا ۖ وَأَخَذْنَاهُمْ بِالْعَذَابِ لَعَلَّهُمْ يَرْجِعُونَ 48 ٤٨

Hindi Kami nagpapakita sa kanila ng anumang tanda malibang ito ay higit na malaki kaysa sa nauna ito. Nagpataw Kami sa kanila ng pagdurusa [sa Mundo] nang sa gayon sila ay babalik [kay Allāh]. (48)

Tafsīr
Hindi Kami nagpapakita kay Paraon at sa mga maharlika kabilang sa mga tao niya ng anumang katwiran sa katumpakan sa inihatid ni Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – malibang ito ay higit na mabigat kaysa sa katwiran na bago nito. Nagpataw Kami sa kanila ng pagdurusa sa Mundo, sa pag-asang bumalik sila [sa Amin] palayo sa taglay nila na kawalang-pananampalataya subalit walang anumang silbi.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba