Surah Az-Zukhruf (Ang mga Palamuti — الزخرف) (Talata 49)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




43 Az-Zukhruf(الزخرف), Talata 49

وَقَالُوا يَا أَيُّهَ السَّاحِرُ ادْعُ لَنَا رَبَّكَ بِمَا عَهِدَ عِنْدَكَ إِنَّنَا لَمُهْتَدُونَ 49 ٤٩

Nagsabi sila [kay Moises]: “O manggagaway, dumalangin ka [kay Allāh] para sa amin sa Panginoon mo ng itinipan Niya sa piling mo; tunay na kami ay talagang mga mapapatnubayan.” (49)

Tafsīr
Kaya nagsabi sila kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – noong sumapit sa kanila ang ilan sa pagdurusa: "O manggagaway, dumalangin ka para sa amin sa Panginoon mo ng binanggit Niya sa iyo na pagpapawi ng pagdurusa kung sumampalataya kami; tunay na kami ay talagang mga mapapatnubayan tungo sa Kanya kung papawiin Niya ito sa amin."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba