Surah Az-Zukhruf (Ang mga Palamuti — الزخرف) (Talata 63)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Noong naghatid si Jesus ng mga malinaw na patunay [sa mga anak ni Israel] ay nagsabi siya: “Naghatid nga ako sa inyo ng karunungan at upang maglinaw ako para sa inyo ng ilan sa nagkakaiba-iba kayo hinggil doon. Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin. (63)
Tafsīr
Noong naghatid si Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa mga kababayan niya ng mga patunay na maliwanag na siya ay sugo, nagsabi siya sa kanila: "Naghatid nga ako sa inyo mula sa ganang kay Allāh ng karunungan at upang magpaliwanag ako para sa inyo ng ilan sa nagkakaiba-iba kayo hinggil doon kabilang sa mga nauukol sa relihiyon ninyo. Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, at tumalima kayo sa akin kaugnay sa ipinag-uutos Ko sa inyo at sinasaway Ko sa inyo.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: