Surah Az-Zukhruf (Ang mga Palamuti — الزخرف) (Talata 85)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Napakamapagpala ang sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito. Nasa Kanya ang kaalaman sa Huling Sandali at tungo sa Kanya pababalikin kayo [para tuusin]. (85)
Tafsīr
Nagkadagdagan ang kabutihan ni Allāh at ang pagpapala Niya – kaluwalhatian sa Kanya – na ukol sa Kanya lamang ang paghahari sa mga langit, ang paghahari sa lupa, at ang paghahari sa anumang nasa pagitan ng mga ito. Nasa Kanya lamang ang kaalaman sa Huling Sandali kung kailan sasapit ang Pagbangon, na walang nakaaalam dito na iba pa sa Kanya. Tungo sa Kanya lamang pababalikin kayo sa Kabilang-buhay para sa pagtutuos at pagganti.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: