Surah Al-Jāthiyah (Ang mga Nakaluhod — الجاثية) (Talata 10)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




45 Al-Jāthiyah(الجاثية), Talata 10

مِنْ وَرَائِهِمْ جَهَنَّمُ ۖ وَلَا يُغْنِي عَنْهُمْ مَا كَسَبُوا شَيْئًا وَلَا مَا اتَّخَذُوا مِنْ دُونِ اللَّهِ أَوْلِيَاءَ ۖ وَلَهُمْ عَذَابٌ عَظِيمٌ 10 ١٠

Mula sa unahan nila ay Impiyerno. Hindi makapagdudulot sa kanila ang nakamit nila [na mga yaman] ng anuman ni ang ginawa nila bukod pa kay Allāh bilang mga katangkilik. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang mabigat. (10)

Tafsīr
Mula sa harapan nila ay may Apoy ng Impiyerno na naghihintay sa kanila sa Kabilang-buhay. Hindi makapagdudulot sa kanila ng anuman ang nakamit nila na mga yaman laban kay Allāh ni magtatanggol ng anuman sa kanila ang ginawa nila bukod pa sa Kanya na mga anito na sinasamba nila bukod pa sa Kanya. Ukol sa kanila sa Araw ng Pagbangon ay isang pagdurusang mabigat.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba