Surah Al-Jāthiyah (Ang mga Nakaluhod — الجاثية) (Talata 13)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




45 Al-Jāthiyah(الجاثية), Talata 13

وَسَخَّرَ لَكُمْ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ جَمِيعًا مِنْهُ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَاتٍ لِقَوْمٍ يَتَفَكَّرُونَ 13 ١٣

Nagpasilbi Siya para sa inyo ng anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa nang lahatan mula sa Kanya. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong nag-iisip-isip. (13)

Tafsīr
Nagpasilbi Siya – kaluwalhatian sa Kanya – para sa inyo ng anumang nasa mga langit gaya ng araw, buwan, at mga bituin, at ng anumang nasa lupa gaya ng mga ilog, mga punong-kahoy, bundok, at iba pa. Ang lahat ng mga biyayang ito ay mula sa kabutihang-loob Niya at paggawa Niya ng maganda. Tunay na sa pagpapasilbi na iyon para sa inyo ay talagang may mga katunayan sa kakayahan ni Allāh at kaisahan Niya para sa mga taong nag-iisip-isip sa mga tanda Niya kaya naman nagsasaalang-alang sila sa mga ito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba