Surah Al-Jāthiyah (Ang mga Nakaluhod — الجاثية) (Talata 24)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




45 Al-Jāthiyah(الجاثية), Talata 24

وَقَالُوا مَا هِيَ إِلَّا حَيَاتُنَا الدُّنْيَا نَمُوتُ وَنَحْيَا وَمَا يُهْلِكُنَا إِلَّا الدَّهْرُ ۚ وَمَا لَهُمْ بِذَٰلِكَ مِنْ عِلْمٍ ۖ إِنْ هُمْ إِلَّا يَظُنُّونَ 24 ٢٤

Nagsabi sila: “Walang iba ito kundi ang buhay namin sa Mundo; namamatay kami at nabubuhay kami, at walang nagpahamak sa amin kundi ang [paglipas ng] panahon.” Walang ukol sa kanila anumang kaalaman hinggil doon [pagkabuhay]. Walang iba sila kundi nagpapalagay. (24)

Tafsīr
Nagsabi ang mga tagatangging sumampalataya na tagapagkaila sa pagbubuhay na muli: "Walang iba ang buhay kundi ang buhay namin sa Mundo ito lamang sapagkat walang buhay matapos nito. May namamatay na mga salinlahi ngunit hindi nanunumbalik at may nabubuhay na mga salinlahi. Walang nagbibigay-kamatayan sa amin kundi ang pagpapalitan ng gabi at maghapon." Walang ukol sa kanila sa pagkakaila nila sa pagbubuhay na muli na anumang kaalaman. Walang iba sila kundi nagpapalagay. Tunay na ang pagpapalagay ay hindi nakasasapat sa katotohanan sa anuman.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba