Surah Al-Jāthiyah (Ang mga Nakaluhod — الجاثية) (Talata 27)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




45 Al-Jāthiyah(الجاثية), Talata 27

وَلِلَّهِ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ وَيَوْمَ تَقُومُ السَّاعَةُ يَوْمَئِذٍ يَخْسَرُ الْمُبْطِلُونَ 27 ٢٧

Sa kay Allāh ang paghahari sa mga langit at lupa. Sa Araw na sasapit ang Huling Sandali, sa Araw na iyon ay malulugi ang mga nagpapabula. (27)

Tafsīr
Sa kay Allāh lamang ang paghahari sa mga langit at ang paghahari sa lupa kaya walang sinasamba sa mga iyon ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya. Sa Araw na sasapit ang Huling Sandali na bubuhaying muli ni Allāh doon ang mga patay para sa pagtutuos at pagganti, malulugi ang mga alagad ng kabulaanan na mga dating sumasamba sa iba pa kay Allāh at nagsisikap para sa pagpapabula sa katotohanan at pagsasakatotohanan sa kabulaanan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba