Surah Al-Jāthiyah (Ang mga Nakaluhod — الجاثية) (Talata 34)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




45 Al-Jāthiyah(الجاثية), Talata 34

وَقِيلَ الْيَوْمَ نَنْسَاكُمْ كَمَا نَسِيتُمْ لِقَاءَ يَوْمِكُمْ هَٰذَا وَمَأْوَاكُمُ النَّارُ وَمَا لَكُمْ مِنْ نَاصِرِينَ 34 ٣٤

Sasabihin: “Ngayong Araw, lilimot Kami sa inyo gaya ng paglimot ninyo sa pagkikita sa Araw ninyong ito. Ang kanlungan ninyo ay ang Apoy. Walang ukol sa inyo na anumang mga tagapag-adya. (34)

Tafsīr
Magsasabi sa kanila si Allāh: "Ngayong Araw, mag-iiwan Kami sa inyo sa Apoy kung paanong kayo ay nakalimot sa pakikipagkita sa Araw ninyong ito sapagkat hindi kayo naghanda para rito sa pamamagitan ng pananampalataya at gawang maayos. Ang pamamalagian ninyo na kakanlungan ninyo ay ang Apoy. Walang ukol sa inyo na mga tagapag-adya na magtatanggol sa inyo sa pagdurusang dulot ni Allāh.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba