Surah Al-Aḥqāf (Ang mga Buhanging Burol — الأحقاف) (Talata 10)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




46 Al-Aḥqāf(الأحقاف), Talata 10

قُلْ أَرَأَيْتُمْ إِنْ كَانَ مِنْ عِنْدِ اللَّهِ وَكَفَرْتُمْ بِهِ وَشَهِدَ شَاهِدٌ مِنْ بَنِي إِسْرَائِيلَ عَلَىٰ مِثْلِهِ فَآمَنَ وَاسْتَكْبَرْتُمْ ۖ إِنَّ اللَّهَ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الظَّالِمِينَ 10 ١٠

Sabihin mo: “Nagsaalang-alang ba kayo kung [ang Qur’ān na] ito ay mula sa ganang kay Allāh at tumanggi kayong sumampalataya rito samantalang may sumaksi na isang tagasaksi mula sa mga anak ni Israel [na ito ay mula kay Allāh batay sa] tulad [sa nasaad sa Torah], kaya sumampalataya siya samantalang nagmalaki kayo?” Tunay na si Allāh ay hindi pumapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan. (10)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagpasinungaling na ito: "Magpabatid kayo sa akin kung ang Qur'ān na ito ay mula sa ganang kay Allāh at tumanggi kayong sumampalataya rito at may sumaksi na isang tagasaksi mula sa mga anak ni Israel na ito ay mula sa ganang kay Allāh, ayon sa pagbatay sa nasaad sa Torah kaugnay rito kaya sumampalataya siya mismo rito samantalang nagmalaki kayo laban sa pagsampalataya rito. Hindi ba kayo, sa sandaling iyon, ay mga tagalabag sa katarungan?" Tunay na si Allāh ay hindi nagtutuon sa katotohanan sa mga taong tagalabag sa katarungan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba