Surah Al-Aḥqāf (Ang mga Buhanging Burol — الأحقاف) (Talata 11)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




46 Al-Aḥqāf(الأحقاف), Talata 11

وَقَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا لِلَّذِينَ آمَنُوا لَوْ كَانَ خَيْرًا مَا سَبَقُونَا إِلَيْهِ ۚ وَإِذْ لَمْ يَهْتَدُوا بِهِ فَسَيَقُولُونَ هَٰذَا إِفْكٌ قَدِيمٌ 11 ١١

Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya sa mga sumampalataya: “Kung sakaling [ang Islām na] ito ay kabutihan, hindi sana sila nakauna sa amin dito.” Yayamang hindi sila napatnubayan sa pamamagitan nito ay magsasabi sila: “Ito ay isang panlilinlang na luma.” (11)

Tafsīr
Nagsabi sa mga sumampalataya ang mga tumangging sumampalataya sa Qur'ān at sa inihatid sa kanila ng Sugo sa kanila: "Kung sakaling ang inihatid ni Muḥammad ay katotohanang nagpapatnubay tungo sa kabutihan, hindi sana nakauna sa amin dito itong mga maralita, mga alipin, at mga mahina." Dahil sila ay hindi napatnubayan sa pamamagitan ng inihatid sa kanila ng Sugo sa kanila, magsasabi sila: "Itong inihatid niya sa amin ay isang kasinungalingang luma at kami ay hindi sumusunod sa kasinungalingan."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba