Surah Al-Aḥqāf (Ang mga Buhanging Burol — الأحقاف) (Talata 19)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Para sa lahat ay may mga antas [ng baytang] mula sa anumang ginawa nila, at upang maglulubus-lubos Siya sa kanila [ng kabayaran] sa mga gawa nila habang hindi sila nilalabag sa katarungan. (19)
Tafsīr
Para sa kapwa pangkat, ang pangkat ng Hardin at ang pangkat ng Liyab, ay may mga baytang alinsunod sa mga gawain nila. Ang mga baytang ng mga maninirahan sa Hardin ay mga antas na mataas at ang mga baytang ng mga maninirahan sa Apoy ay mga kababaang mababa, at upang tumumbas sa kanila si Allāh ng ganti sa mga gawa nila habang sila ay hindi nilalabag sa katarungan sa Araw ng Pagbangon sa pamamagitan ng pagbawas sa mga magandang gawa nila ni sa pagdagdag sa mga masagwang gawa nila.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: