Surah Al-Aḥqāf (Ang mga Buhanging Burol — الأحقاف) (Talata 21)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Banggitin mo [si Hūd], ang kapatid ng [liping] `Ād, noong nagbabala siya sa mga kalipi niya sa Buhanginan. Lumipas na ang mga mapagbabala noong bago pa niya at noong matapos na niya, [na nagsasabi]: “Huwag kayong sumamba maliban kay Allāh; tunay na ako ay nangangamba para sa inyo sa pagdurusa sa isang araw na sukdulan.” (21)
Tafsīr
Banggitin mo, O Sugo, si Hūd na kapatid ng `Ād sa kaangkanan nang nagbabala siya sa mga kalipi niya laban sa pagkaganap ng pagdurusang dulot ni Allāh sa kanila samantalang sila ay nasa mga tahanan nila sa Al-Aḥqāf sa dakong Timog ng Peninsula ng Arabya. Nagdaan na ang mga sugo bilang mga tagapagbabala sa mga tao nila bago ni Hūd at matapos niya, na mga nagsasabi sa mga tao nila: "Huwag kayong sumamba maliban kay Allāh lamang, kaya huwag kayong sumamba kasama sa Kanya ng iba pa sa Kanya; tunay na ako ay nangangamba para sa inyo, O mga kalipi ko, sa pagdurusa sa isang araw na sukdulan, ang Araw ng Pagbangon."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: