Surah Al-Aḥqāf (Ang mga Buhanging Burol — الأحقاف) (Talata 33)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




46 Al-Aḥqāf(الأحقاف), Talata 33

أَوَلَمْ يَرَوْا أَنَّ اللَّهَ الَّذِي خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ وَلَمْ يَعْيَ بِخَلْقِهِنَّ بِقَادِرٍ عَلَىٰ أَنْ يُحْيِيَ الْمَوْتَىٰ ۚ بَلَىٰ إِنَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ 33 ٣٣

Hindi ba nila napag-alaman na si Allāh na lumikha ng mga langit at lupa at hindi napata sa paglikha ng mga ito ay nakakakaya na magbigay-buhay sa mga patay? Oo; tunay na Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan. (33)

Tafsīr
Hindi ba napag-alaman nitong mga tagapagtambal at mga tagapagpasinungaling sa pagbubuhay na si Allāh na lumikha ng mga langit at lumikha ng lupa at hindi nawalang-kakayahan sa paglikha sa mga ito sa kabila ng kalakihan ng mga ito at kalawakan ng mga ito ay nakakakaya na magbigay-buhay sa mga patay para sa pagtutuos at pagganti? Oo; tunay na Siya ay talagang nakakakaya sa pagbibigay-buhay sa kanila. Tunay na Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan sapagkat hindi Siya nawawalang-kakayahan sa pagbibigay-buhay sa mga patay.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba