Surah Al-Aḥqāf (Ang mga Buhanging Burol — الأحقاف) (Talata 4)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Sabihin mo: “Nagsaalang-alang ba kayo sa dinadalanginan ninyo bukod pa kay Allāh? Magpakita kayo sa akin kung ano ang nilikha nila mula sa lupa, o kung mayroon silang pakikitambal sa mga langit. Magdala kayo sa akin ng isang aklat [na ibinaba] bago pa nito o ng isang [natitirang] bakas mula sa kaalaman, kung kayo ay mga tapat.” (4)
Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na tagaayaw na ito sa katotohanan: "Magpabatid kayo sa akin tungkol sa mga anitong sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh kung ano ang nilikha nila mula sa mga bahagi ng lupa? Lumikha kaya sila ng mga bundok? Lumikha kaya sila ng ilog? O mayroon silang pakikitambal at bahagi kasama kay Allāh sa paglikha ng mga langit? Maghatid kayo sa akin ng isang aklat na pinababa mula sa ganang kay Allāh bago pa ang Qur'ān o ng isang tira mula sa kaalaman mula sa naiwan ng mga sinauna, kung kayo ay mga tapat sa pag-aangkin ninyo na ang mga anito ninyo ay nagiging karapat-dapat sa pagsamba."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: